top of page

Siguro...? Sigurado! Yata...? Taya!

  • Sep 13, 2018
  • 1 min read

TWENTIETH SUNDAY IN ORDINARY TIME YEAR B SUNDAY REFLECTION

READINGS:

PRV 9:1-6

PS 34:2-3, 4-5, 6-7

EPH 5:15-20

JN 6:51-58

REFLECTION:

“Whoever eats my flesh and drinks my blood remains in me and I in him.” (John 6: 56)

Siguro...? Sigurado!

Yata...? Taya!

Ang labo...

Di ko maintindihan ng buong-buo

Sa mga pinagsasabi’y Niyo po’y ako’y nalilito

Nag-aalanganin... Di po ako nakakatiyak

Mukhang mapapatanong ako ng marami at masasabing: “Siguro...?”

“Ano raw?”

Winiwika ng isang tao

Hindi dahil ‘di niya narinig ng masyado

Pero dahil ‘di makapaniwala sa mga pinagsasabi ng isang tao

O katulad ng sinabi ni Hesus tungkol dito sa Ibanghelyo ngayong linggo

Kaya’t Ito’y napupunta sa pag-aagam: “Totoo ba ito?”

Pananampalataya...

Sa unang tingin ito’y payak na salita

Yung iba nga binabalewala nila

Pero kung babasahing mabuti... Ito’y hindi basta-basta

“Yata?”

Nabibigkas naman ito pag nagtataka

Minsan pa nga kasunod nito’y bibig na nagiging nganga

Wala nang masabi... Minsan nauutal o nawiwindang na

Mabalik tayo sa salitang “Pananamapalataya”

Maraming nakakaligtaan ang ganitong itong salita

Sa dulo nito ay may mapapansin na apat na letra

Nabubuo ang salitang “TAYA”

Taya...

Kailangan mong mamili... Kailangan mong tumaya...

Maari ka lang mamili ng isa sa dalawa

Di ka maniniwala o maniniwala ka sa Kanya

Susunod ka ba o tatanggi ka sa tawag Niya?

Mag desisyon ka ng mabuti... Pagkat ito’y mabiga’t di basta-basta

Di dapat ako mag-alala kung ‘di ko man maintindihan ng lubusan...

Sapagkat ako’y isang tao... ‘Di perpekto at isang mangmang

Pero nakakatiyak ako na lagi Kang nandiyan

Ang kailangan ko lang gawin ay Maniwala... Manampalataya...

Nawa’y maging SIGURADO ang lahat ng mga SIGURO ko tungkol sa mga turo mo

Dahil lahat ng mga YATA ko’y magiging TAYA... Dahil mananampalataya ako sa Iyo!

Date Written: August 16, 2018

 
 
 

Comments


bottom of page