top of page

Matutunan ang Kanyang Turo

  • Sep 13, 2018
  • 2 min read

NINETEENTH SUNDAY IN ORDINARY TIME YEAR B SUNDAY REFLECTION

READINGS:

1 KGS 19:4-8

PS 34:2-3, 4-5, 6-7, 8-9

EPH 4:30–5:2

JN 6:41-51

REFLECTION:

“They shall all be taught by God.” (John 6: 45)

Matutunan ang Kanyang Turo

Pagtuturo...

Isa sa mga kultura nating mga Pilipino

Ay ang kilos na pagtuturo gamit malamang ang dariling hintuturo

“Ito, ayun, diyan, dito...” May pagkakataon pa nga na ginagamit natin ang nguso

Para natin magabayan o magkaroon ng atensyon ang isang tao

Pagtuturo...

Isa sa mga na nagbibigay saya sa akin sa buhay seminaryo

Ay ang pagtuturo sa mga mag-aaral ng Katesismo

Di lang dahil naibabahagi ko ang mga natutunan ko

Kung di dahil na rin sa saya kapag nakikita ko sakanila ang sarili ko...

Kapag makakakita ako na masayahing guro

Malamang ay magugustuhan ko na matuto

Ngunit, kailangan din ang mga mag-aaral ay di lang ang masayahin na taga-turo

Kailangan din ng mundo na ang guro’y di lamang sila nagtuturo

Kung hindi sila rin ay patuloy na natututo

Nauuto...

Sa Panahon natin ngayon, mas marami ang nauuto kaysa sa natututo

Pag-aakalang na tatanggap ng isa ay totoo

Sa Social Media pa lang ay marami nang nangloloko

Hay, katotohanan na nga sa mundo’y natutuluyang manglabo

Sa Paaralan, maraming binibigay na pagsusulit

Para malaman ng guro kung natututo ang mga mag-aaral na tingin nila’y sang hamak na paslit

Pag mataas ang nakuha ay iwiwika, “Marami siyang natutunan sa akin...” Pero saglit!

Hanggang sa resulta lang ba ang batayan ng lahat ng mga pagsusulit?

Ano ba ang katangian ng isang mabuting guro?

Sila ba ang mga nakapag-aral sa iba’t-ibang sikat na unibersidad o kolehiyo?

Nakakakuha ng mga matataas at sandamakmak na medalya at tropeyo?

Teka, hanggang diyan lang ba ang tingin ninyo?

Ano ba ang batayan sa mabuting mag-aaral?

Nakakakuha ng matataas na grado?

Ginagawa ang lahat ng mga takdang-aralin sa bawat klase na dinadalo?

Ganito lang ba ang batayan na kung saan pwedeng sumandal?

Mabuting guro...

Ay di lamang dapat nagtuturo...

Di dapat lang dito siya’y makuntento...

Dahil siya rin ay dapat patuloy na matututo...

Mabuting mag-aaral...

Ay naisasabuhay niya ang lahat ng mga natutunan

Dahil pag-aaral ay ‘di lamang sa loob... Dapat maidala rin sa labas ng silid-aralan

Kung kaya’t pwedeng maging dalangin ang lahat ng mga naisasabuhay na napag-aralan.

Minsan napa-isip ako kapag isang araw ay magturo sa atin ang Diyos?

Sa tingin ko ba’y ako ay magagalak ng lubos?

O matatakot ako hanggang sa ako’y maging pulbos?

Maaaring din umpisahan ko na agad ng mga tanong sa buhay na halos di maubos?

Ang Diyos, na ating punong-guro, ay nag-papaalala sa akin at sa iyo

Mabuting guro... Mabuting mag-aaral...

Nagtuturo... Pero patuloy pa rin siyang natututo

Nag-aaral... upang bumuti ang mga asal at ito’y maaaring maging dasal

Nawa’y lahat tayo’y matuto upang maging kahalintulad natin si Kristo

Date Written: August 9, 2018

 
 
 

Comments


bottom of page