Nakayanan ko dahil Sa Iyo
- Sep 13, 2018
- 1 min read
EIGHTEENTH SUNDAY IN ORDINARY TIME YEAR B SUNDAY REFLECTION
READINGS:
EX 16:2-4, 12-15
PS 78:3-4, 23-24, 25, 54
EPH 4:17, 20-24
JN 6:24-35
REFLECTION:
“What sign can you do, that we may see and believe in you? What can you do?” (John 6: 30)
Nakayanan ko dahil Sa Iyo
“Ano ang kaya mong gawin?”
Isang tanong na tiyak kong nabanggit na natin
Malamang, may mga taong kay bilis nila itong sagutin
Ngunit, ako’y pagbigyan ninyo upang ito’y pagnilayan natin
“Sobrang magaling ako!”
Iyan ang laging bukambibig mo
“Ako...” Nakatutok sa sarili mo...
Nakakalimutan na may Diyos na pinakamagaling pa kaysa sa Iyo
“Kaya ko ito!”
Kahit wala ng tulong ng ibang tao
Aakalaing magagawa ang mga bagay-bagay, pero...
Sa mga pinagdadaanang bawat oras, minuto, at kahit pa segundo
Napakaimposibleng gawin ng mag-isa ang lahat ng mga ito
Hinahanap...
Ano ang hinahanap mo?
Nahanap mo na ba ang ninanais ng puso mo?
Baka nawala ka na sa landas ng paghahanap ng kung ano-ano?
Kaya pag nabigkas na natin ang, “Nawawala po ako”
Hayaang ilandas tayo ng mas nakakaalam at ating iwika, “Gabayan niyo po ako”
“Suko na ako”
Mahina lang tayo.... Dahil tayo lang ay tao
Nagtatago pa nga sa mga di kanais-nais na mga anino
Nawa’y maiwika ko ito Sakanya, “Wala po ako kung wala po kayo...
Mahina po ako pag sobrang layo ko po sa Inyo.”
Panginoon, ano po ang kaya Niyong gawin po?
Wika Niya’y, “Kaya kong ibigay ang sarili ko sa iyo...
Walang labis, walang kulang... Sapagkat ito’y buong-buo!
Dahil ganyan kita kamahal at ito’y ‘di magbabago”
Sa bawat pagsambit natin na “Patulong po.”
Sa mga pagkakataong gusto natin nang sumuko
Sa paghahanap natin nang ninanais ng iyong puso
Sa Panginoon lang natin makikita ang lahat ng mga ito...
Dahil sa bandang huli, “Panginooon, kailangan ko po kayo.”

Date Written: August 2, 2018






Comments