top of page

Mga Aral sa Mga Kamay na Hapag-Kainan

  • Sep 13, 2018
  • 2 min read

SEVENTEENTH SUNDAY IN ORDINARY TIME YEAR B SUNDAY REFLECTION

READINGS: 2 KGS 4:42-44 PS 145:10-11, 15-16, 17-18 EPH 4:1-6 JN 6:1-15

REFLECTION:

“‘Where can we buy enough food for them to eat?’ He said this to test him, because he himself knew what he was going to do.” (John 6: 5-6)

Mga Aral sa Mga Kamay na Hapag-Kainan

Kagutuman...

Napansin ni Hesus na ang mga tao’y nagugutom... Gutom ang kanilang mga tiyan

Nagugutom din ba ako sa pagmamahal ng iba, ngayon at nung nakaraan?

Baka ito’y kagutuman ko sa pagmamahal ng iba na di ko na nararamdaman?

Mga batang paslit na nasa lansangan

Madalas nakikita natin silang humihingi kahit barya para sa ‘lamang tiyan’

Nasanay na yata akong na di sila’y bigyan?

“Ako rin nama’y nagugutom...” Pero di naman ito ang tamang dahilan!

Katanungan...

Marami tayong tinatanong sa ating kamalayanan

Gutom at uhaw sa mga milyon-milyong kasagutan

Di natin sigurado kung mahahanap natin ito kahit ang tao’y nasa katandaan

Sinusubukan...

Sinubukan ni Hesus si Felipe ng isang katanungan

“Saan tayo makakabili ng tinapay upang makakain ang mga taong ito?”

Parang winiwika niya rin sa akin na, “Gutom sila... Anong gagawin mo?”

Ano ba ang isasagot ko? “Pahingi ng pagkain po?”

O katulad ng isang munting bata, “Kahit kaunti po ito’y mayroon po ako at ibibgay ko ng buong-buo.”

Umupo sa damuhan...

Panahong kailangang bumaba sa ating mga kinakatayuan

Pagkakataong kailangang sumuko dahil wala ka nang kung anong mayroon ka man

Hinihingi ng nasa Itaas kahit saglit ng panahon lamang

Umupo... Bumababa sa sobrang mataas nating kinakatayuan

Kabusugan...

Nang matapos kumain ay napawi ang kanilang kagutuman

Bagamat ito ay payak na salo-salo

Sila‘y nabusog at nakuntento gamit ang mga kamay nila na nagsilbing hapag-kainan

Panigurado’y namangha at daming nagtanto sa kamaghaan na ginawa ni Hesukristo

Lumisan...

“Nahalata ni Hesus na lalapit ang mga tao at pipilitan siyang gawing hari.”

Pero Siya ay agad na lumisan

Dahil sobrang malayo at mababaw ang tingin nila Sakanya, kaya sila’y mali.

May mga pagkakataong na kailangang umalis sa mundong punong-puno ng kaguluhan

Mula sa ingay ay kailangang manahamik... Umalis lang ng sandali...

“Kaya ko ba?” O baka di ko kayang maisip o mawari

Hayaan...

“Hayaan niyo akong mag-isa”

Katulad ni Hesus, pinili niyang umalis at mapag-isa

Dumarating sa buhay natin na tayo ang naiiwan sa lugar natin... Walang kasama

Sa kuwarto natin na maaaring tayo lang ang nandoon... Mag-isa

Kalungkutan ang unang nararamdaman nga

Nalungkot rin ba Siya nung lumisan at piniling mapag-isa?

Sana’y kaya kong makiisa sa kalungkutan Niya...

Kahit papaano pwede ko Siyang mapasaya

Pagsasalo-salo...

Balang araw magiging magkakasama ulit tayo sa pagsasalo

Hindi man ngayon iyon pero balang araw darating ito

Pero pwede naman gawin dito habang nandito pa tayo sa ating mundo

Sa ating mga Kagutuman, kalungkutan ng pagiging mag-isa sa ating mga kuwarto

Sa mga di masagot nating mga tanong... Tayo’y mabubusog dahil pagsasaluhan natin ito!

Date Written: July 26, 2018

 
 
 

Comments


bottom of page