top of page

Balikan Na... Naman!

  • Jun 8, 2017
  • 1 min read

Balikan… Oo, Balikan na naman

‘Nakakasawa’ ang tumatakbo sa isipan

Babiyahe ulit sa mga iba’t-ibang sasakyan

Pera’t lakas ang tiyak na mababawasan.

Di nga makatulog nung kinagabihan

Marami kasing pinag-alalahanan

Mga pamilya’t kaibigan na iiwan

Ramdam na bukas sila’y magdradramahan.

Mukhang ayos nung kinabukasan

Ordinaryo ang kanilang hitsura pag titignan

Ngunit pag sila’y mabuting pagmasdan

Isip nila’y ako’y ulit lilisan na naman.

Habang bumibiyahe lahat ay tinitignan

Sa loob ng bus na ayos ang kinlalagyan

Mga iba’t-ibang taong nasa kanilang upuan

Tahimik sila at malalim ang pinag-iisipan.

Nakaupo ako malapit sa may durwangan

Kung saan madali kong mapagmasdan

Mga bagay-bagay sa kapaligiran

Kay bilis nagbago, naglaho at nalipasan.

Nung nakarating ako sa aking pinaroroonan

Mukhang may mga bagong kabanatang dapat na umpisahan

Magugulong bagay na dapat pag-ayusan

At ang mga pagsubok na dapat lagpasan.

Pagpapahinga ay mukhang matatagalan

Paggalaw ng mga kamay na orasan

At pagmarka ng bawat araw sa kalendaryo ay pinagkadiskitihan

Sana naman ang pagpatak ng mga araw ay bilisan

Lahat ng mga bagay ay aking naranasan

Paggawa ng maraming kabutihan

Naisagawa na rin ang nasa kadiliman

O, ano pa ang dapat kong magampanan?

Nagsasawa na ba ako sa mundong aking kinagagalawan

Mga paulit-ulit na bagay na nakalakihan

Hoy! Kailan pa ang katapusan?

Wag namang laging ganito at umabot pa sa magpakailanman.

Pero, buhay kay simple lang naman

Parang biyahe kung saan may pinupuntahan

Sana nga may patutunguhan

Para masabi ko balang araw na:

“Balikan na… Naman!”

 
 
 

Comments


bottom of page