top of page

Pahinga

  • Jun 20, 2017
  • 1 min read

Pahinga' Pitong letra, iisang salita... Sa unang tingin, parang balewala Pero pag iyong pagninilayan, ito ay kakaiba...

Marami nang taong kinalimutang magpahinga Nagpupuyat para sa exam upang makapasa Mga babad sa trabaho para magkapera pa At mga nag iisip ng solusyon sa kanilang mabibigat na problema...

“May ginagawa pa…”

Iyan ang dahilan ng iba

Ang mga katagang laging bukang bibig nila

Di pa ba tayo nagsasawa?

Mahirap na kapag nasabi na nating ang mga sumusunod na kataga: "Pahingi nga ng pahinga" "Para makatakas muna sa mga problema..." "At para mayroon pa akong lakas at hininga" Nandito lang ako para magpa-alala Na minsa'y kailangan tayo magpahinga muna Pahingang di pangmatagalan pero kahit sandali lang nga Para tayo'y may lakas pa sa darating na bagong umaga.

 
 
 

Comments


bottom of page